PROLOGO
“Nasa pagsulat ang kinabukasan ng mga kabataan” – Wilkins Dableo
Ang pagsulat ay isang kakayahang biyaya mula sa Panginoon upang ito’y malinang, mapahusay, at maibahagi. Sa asignaturang Filipino 201, napahusay ang kakayahan ng mga mag-aaral na magsulat ng mas epektibo na mga sulatin na makatutulong sa kanilang hinaharap. At upang malinang ang kakayahang ito, kinakailangang gumawa ng mga aktibidad kung saan magamit ang kanilang natutunan sa paraan ng pagsulat ng mga akademikong sulatin, pagsulat ng lakbay sanaysay, pagsulat ng replektibong sanaysay, at marami pang iba.
Sa portfolio na ito, nakalimbag at natitipon ang iba’t -ibang sulating ginawa ng mga mag-aaral sa pangkat na ito. Ang mga nalilikha ng mga mag-aaral ay binibigyang oras at pagsisikap upang ito ay mabuo kaya kinakailangang natitipon ang mga dokumentong nagawa upang magsilbing gabay sa pagsuri ng mga mabuting pagbabago sa kakayahan ng mga mag-aaral at kung mayroong mga kinakailangang pagbubutihin.
Ibinuhos ng mga may-akda ang kanilang matalas na pag-iisip at oras sa pagbuo at paggawa ng portfoliong ito. Sa pamamagitan ng mga gawain sa asignaturang ito, umunlad ang kanyang ng mga mag-aaral nang paunti-unti.